Mga Hukom 20

Dahil tumakas ang mga Israelita, akala ng mga taga-Benjamin ay magtatagumpay silang muli laban sa mga Israelita. Hindi nila alam na nagpapahabol lang pala ang mga Israelita upang dalhin sila papalayo ng lungsod.

Judges 20:32 (UKJV) And the children of Benjamin said, They are smitten down before us, as at the first. But the children of Israel said, Let us flee, and draw them from the city unto the highways.

30Pumwesto muli sila sa lugar ding iyon. Ikatlong araw ito ng kanilang paglusob.

31Muli silang sinalubong ng mga taga-Benjamin na lumalabas mula sa lungsod. At katulad ng nangyari sa mga nakaraang araw, may napatay silang mga Israelita. May tatlumpung Israelita ang namatay sa bukirin at sa mga daan papunta sa Betel at sa Gibea.

32Dahil tumakas ang mga Israelita, akala ng mga taga-Benjamin ay magtatagumpay silang muli laban sa mga Israelita. Hindi nila alam na nagpapahabol lang pala ang mga Israelita upang dalhin sila papalayo ng lungsod.

33Nang nakarating ang mga Israelita sa Baal-tamar, pumuwesto sila roon habang ang mga nag-aabang sa paligid ng Gibea ay nagsisilabasan.

34Sampung libo silang lahat na puro piling sundalo ng Israel. Nilusob nila ang Gibea, at matindi ang labanan. Hindi alam ng mga taga-Benjamin na malapit na ang katapusan nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.