Mga Hukom 20

Pinagtagumpay ng Panginoon ang mga Israelita. At sa araw na iyon, nakapatay sila ng 25,100 taga-Benjamin na armadong lahat ng espada.

Judges 20:35 (UKJV) And the LORD stroke Benjamin before Israel: and the children of Israel destroyed of the Benjamites that day twenty and five thousand and an hundred men: all these drew the sword.

33Nang nakarating ang mga Israelita sa Baal-tamar, pumuwesto sila roon habang ang mga nag-aabang sa paligid ng Gibea ay nagsisilabasan.

34Sampung libo silang lahat na puro piling sundalo ng Israel. Nilusob nila ang Gibea, at matindi ang labanan. Hindi alam ng mga taga-Benjamin na malapit na ang katapusan nila.

35Pinagtagumpay ng Panginoon ang mga Israelita. At sa araw na iyon, nakapatay sila ng 25,100 taga-Benjamin na armadong lahat ng espada.

36At napansin ng mga taga-Benjamin na natatalo na sila. Tumakas ang malaking grupo ng mga sundalo ng Israel upang makalusob ang mga taong itinalaga nilang pumaligid sa bayan ng Gibea.

37At biglang lumusob ang mga taong nag-aabang sa Gibea at pinagpapatay ang lahat ng tao roon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.