Mga Hukom 3

Ginabayan siya ng Espiritu ng Panginoon, at pinamunuan niya ang Israel. Nakipaglaban siya kay Haring Cushan-rishataim ng Aram, at pinagtagumpay siya ng Panginoon.

Judges 3:10 (UKJV) And the Spirit of the LORD came upon him, and he judged Israel, and went out to war: and the LORD delivered Chushanrishathaim king of Mesopotamia into his hand; and his hand prevailed against Chushanrishathaim.

8Dahil dito, labis na nagalit ang Panginoon sa kanila, kaya hinayaan niya silang matalo ni Haring Cushan-rishataim ng Aram-naharaim. Silaʼy sinakop nito sa loob ng walong taon.

9Ngunit nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon, binigyan niya sila ng isang taong magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb.

10Ginabayan siya ng Espiritu ng Panginoon, at pinamunuan niya ang Israel. Nakipaglaban siya kay Haring Cushan-rishataim ng Aram, at pinagtagumpay siya ng Panginoon.

11Kaya nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon. At pagkatapos ay namatay si Otniel.

12Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Dahil dito, ipinasakop sila ng Panginoon kay Haring Eglon ng Moab.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.