Mga Hukom 3

Ngunit nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon, binigyan niya sila ng isang taong magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb.

Judges 3:9 (UKJV) And when the children of Israel cried unto the LORD, the LORD raised up a deliverer to the children of Israel, who delivered them, even Othniel the son of Kenaz, Caleb's younger brother.

7Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon dahil kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Ashera.

8Dahil dito, labis na nagalit ang Panginoon sa kanila, kaya hinayaan niya silang matalo ni Haring Cushan-rishataim ng Aram-naharaim. Silaʼy sinakop nito sa loob ng walong taon.

9Ngunit nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon, binigyan niya sila ng isang taong magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb.

10Ginabayan siya ng Espiritu ng Panginoon, at pinamunuan niya ang Israel. Nakipaglaban siya kay Haring Cushan-rishataim ng Aram, at pinagtagumpay siya ng Panginoon.

11Kaya nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon. At pagkatapos ay namatay si Otniel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.