5Kaya nanirahan ang mga Israelita kasama ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.
6Hinayaan nilang makipag-asawa ang kanilang mga anak sa mga anak ng mga taong ito, at sumamba rin sila sa kanilang mga diyos-diyosan.
7Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon dahil kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Ashera.
8Dahil dito, labis na nagalit ang Panginoon sa kanila, kaya hinayaan niya silang matalo ni Haring Cushan-rishataim ng Aram-naharaim. Silaʼy sinakop nito sa loob ng walong taon.
9Ngunit nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon, binigyan niya sila ng isang taong magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb.