4Ginawa ito ng Panginoon upang subukin ang mga Israelita kung tutuparin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.
5Kaya nanirahan ang mga Israelita kasama ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.
6Hinayaan nilang makipag-asawa ang kanilang mga anak sa mga anak ng mga taong ito, at sumamba rin sila sa kanilang mga diyos-diyosan.
7Gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon dahil kinalimutan nila ang Panginoon na kanilang Diyos at sumamba sa mga imahen ni Baal at ni Ashera.
8Dahil dito, labis na nagalit ang Panginoon sa kanila, kaya hinayaan niya silang matalo ni Haring Cushan-rishataim ng Aram-naharaim. Silaʼy sinakop nito sa loob ng walong taon.