Mga Hukom 3

Ginawa ito ng Panginoon upang subukin ang mga Israelita kung tutuparin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.

Judges 3:4 (UKJV) And they were to prove Israel by them, to know whether they would hearken unto the commandments of the LORD, which he commanded their fathers by the hand of Moses.

2Ginawa ito ng Panginoon upang turuang makipaglaban ang mga lahi ng Israelita na hindi pa nakaranas nito.

3Ito ang mga itinira ng Panginoon: ang mga nakatira sa limang lungsod ng mga Filisteo, ang lahat ng Cananeo, ang mga taga-Sidon, at ang mga Heveo na nakatira sa mga bundok ng Lebanon, mula sa Bundok ng Baal-hermon hanggang sa Lebo-hamat.

4Ginawa ito ng Panginoon upang subukin ang mga Israelita kung tutuparin nila ang mga utos na ibinigay niya sa kanilang mga ninuno sa pamamagitan ni Moises.

5Kaya nanirahan ang mga Israelita kasama ng mga Cananeo, Heteo, Amoreo, Perezeo, Heveo at mga Jebuseo.

6Hinayaan nilang makipag-asawa ang kanilang mga anak sa mga anak ng mga taong ito, at sumamba rin sila sa kanilang mga diyos-diyosan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.