Mga Hukom 3

Kaya nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon. At pagkatapos ay namatay si Otniel.

Judges 3:11 (UKJV) And the land had rest forty years. And Othniel the son of Kenaz died.

9Ngunit nang humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon, binigyan niya sila ng isang taong magliligtas sa kanila. Siyaʼy si Otniel na anak ni Kenaz na nakababatang kapatid ni Caleb.

10Ginabayan siya ng Espiritu ng Panginoon, at pinamunuan niya ang Israel. Nakipaglaban siya kay Haring Cushan-rishataim ng Aram, at pinagtagumpay siya ng Panginoon.

11Kaya nagkaroon ng kapayapaan sa Israel sa loob ng apatnapung taon. At pagkatapos ay namatay si Otniel.

12Muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon. Dahil dito, ipinasakop sila ng Panginoon kay Haring Eglon ng Moab.

13Sa tulong ng mga Amonita at Amalekita, nilusob at tinalo ni Eglon ang Israel, at sinakop ang lungsod ng Jerico.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.