8Sinabi ni Barak kay Debora, “Pupunta ako kung sasáma ka sa akin, ngunit kung hindi ka sasáma, hindi ako pupunta.”
9Sumagot si Debora, “Sige, sasáma ako saʼyo, pero hindi mapupunta sa iyo ang karangalan dahil ibibigay ng Panginoon si Sisera sa kamay ng isang babae.” Kaya sumáma si Debora kay Barak at pumunta sila sa Kedes.
10Doon, ipinatawag ni Barak ang mga lahi ni Neftali at ni Zebulun, at sampung libong katao ang sumáma sa kanya. Sumáma rin sa kanya si Debora.
11Samantala, si Heber na Cineo ay nagtayo ng tolda niya malapit sa puno ng terebinto sa Zaananim malapit sa Kedes. Humiwalay siya sa ibang mga Cineo na mula sa angkan ni Hobab na bayaw ni Moises.
12Ngayon, may nakapagsabi kay Sisera na papunta si Barak sa Bundok ng Tabor.