Mga Hukom 4

Sumagot si Debora, “Sige, sasáma ako saʼyo, pero hindi mapupunta sa iyo ang karangalan dahil ibibigay ng Panginoon si Sisera sa kamay ng isang babae.” Kaya sumáma si Debora kay Barak at pumunta sila sa Kedes.

Judges 4:9 (UKJV) And she said, I will surely go with you: notwithstanding the journey that you take shall not be for yours honour; for the LORD shall sell Sisera into the hand of a woman. And Deborah arose, and went with Barak to Kedesh.

7Lilinlangin ko si Sisera, ang kumander ng mga sundalo ni Jabin, na pumunta sa Lambak ng Kison, kasama ang kanyang mga sundalo at mga karwahe. At doon pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanya.”

8Sinabi ni Barak kay Debora, “Pupunta ako kung sasáma ka sa akin, ngunit kung hindi ka sasáma, hindi ako pupunta.”

9Sumagot si Debora, “Sige, sasáma ako saʼyo, pero hindi mapupunta sa iyo ang karangalan dahil ibibigay ng Panginoon si Sisera sa kamay ng isang babae.” Kaya sumáma si Debora kay Barak at pumunta sila sa Kedes.

10Doon, ipinatawag ni Barak ang mga lahi ni Neftali at ni Zebulun, at sampung libong katao ang sumáma sa kanya. Sumáma rin sa kanya si Debora.

11Samantala, si Heber na Cineo ay nagtayo ng tolda niya malapit sa puno ng terebinto sa Zaananim malapit sa Kedes. Humiwalay siya sa ibang mga Cineo na mula sa angkan ni Hobab na bayaw ni Moises.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.