Mga Hukom 4

Samantala, si Heber na Cineo ay nagtayo ng tolda niya malapit sa puno ng terebinto sa Zaananim malapit sa Kedes. Humiwalay siya sa ibang mga Cineo na mula sa angkan ni Hobab na bayaw ni Moises.

Judges 4:11 (UKJV) Now Heber the Kenite, which was of the children of Hobab the father in law of Moses, had severed himself from the Kenites, and pitched his tent unto the plain of Zaanaim, which is by Kedesh.

9Sumagot si Debora, “Sige, sasáma ako saʼyo, pero hindi mapupunta sa iyo ang karangalan dahil ibibigay ng Panginoon si Sisera sa kamay ng isang babae.” Kaya sumáma si Debora kay Barak at pumunta sila sa Kedes.

10Doon, ipinatawag ni Barak ang mga lahi ni Neftali at ni Zebulun, at sampung libong katao ang sumáma sa kanya. Sumáma rin sa kanya si Debora.

11Samantala, si Heber na Cineo ay nagtayo ng tolda niya malapit sa puno ng terebinto sa Zaananim malapit sa Kedes. Humiwalay siya sa ibang mga Cineo na mula sa angkan ni Hobab na bayaw ni Moises.

12Ngayon, may nakapagsabi kay Sisera na papunta si Barak sa Bundok ng Tabor.

13Kaya tinipon ni Sisera ang siyam na raang karwahe niyang yari sa bakal at ang lahat ng sundalo niya. At umalis sila mula sa Haroset-hagoyim papunta sa Ilog Kison.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.