Mga Hukom 4

Lilinlangin ko si Sisera, ang kumander ng mga sundalo ni Jabin, na pumunta sa Lambak ng Kison, kasama ang kanyang mga sundalo at mga karwahe. At doon pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanya.”

Judges 4:7 (UKJV) And I will draw unto you to the river Kishon Sisera, the captain of Jabin's army, with his chariots and his multitude; and I will deliver him into yours hand.

5Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

6Isang araw, ipinatawag ni Debora si Barak na anak ni Abinoam na taga-Kedes na sakop ng lahi ni Neftali. Pagdating ni Barak, sinabi ni Debora sa kanya, “Inuutusan ka ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na kumuha ng sampung libong lalaki sa lahi ni Neftali at Zebulun, at dalhin sila sa Bundok ng Tabor.

7Lilinlangin ko si Sisera, ang kumander ng mga sundalo ni Jabin, na pumunta sa Lambak ng Kison, kasama ang kanyang mga sundalo at mga karwahe. At doon pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanya.”

8Sinabi ni Barak kay Debora, “Pupunta ako kung sasáma ka sa akin, ngunit kung hindi ka sasáma, hindi ako pupunta.”

9Sumagot si Debora, “Sige, sasáma ako saʼyo, pero hindi mapupunta sa iyo ang karangalan dahil ibibigay ng Panginoon si Sisera sa kamay ng isang babae.” Kaya sumáma si Debora kay Barak at pumunta sila sa Kedes.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.