Mga Hukom 4

Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

Judges 4:5 (UKJV) And she dwelt under the palm tree of Deborah between Ramah and Bethel in mount Ephraim: and the children of Israel came up to her for judgment.

3Mayroon siyang siyam na raang karwaheng yari sa bakal at labis niyang pinagmalupitan ang mga Israelita sa loob ng dalawampung taon. Kaya muling humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon.

4Nang panahong iyon, si Debora na isang propeta at asawa ni Lapidot ang nagsisilbing hukom ng Israel.

5Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

6Isang araw, ipinatawag ni Debora si Barak na anak ni Abinoam na taga-Kedes na sakop ng lahi ni Neftali. Pagdating ni Barak, sinabi ni Debora sa kanya, “Inuutusan ka ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na kumuha ng sampung libong lalaki sa lahi ni Neftali at Zebulun, at dalhin sila sa Bundok ng Tabor.

7Lilinlangin ko si Sisera, ang kumander ng mga sundalo ni Jabin, na pumunta sa Lambak ng Kison, kasama ang kanyang mga sundalo at mga karwahe. At doon pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanya.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.