Mga Hukom 4

Mayroon siyang siyam na raang karwaheng yari sa bakal at labis niyang pinagmalupitan ang mga Israelita sa loob ng dalawampung taon. Kaya muling humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon.

Judges 4:3 (UKJV) And the children of Israel cried unto the LORD: for he had nine hundred chariots of iron; and twenty years he mightily oppressed the children of Israel.

1Pagkamatay ni Ehud, muling gumawa ng kasamaan ang mga Israelita sa paningin ng Panginoon.

2Dahil dito, hinayaan ng Panginoon na sakupin sila ni Haring Jabin ng Hazor, na isang hari ng mga Cananeo. Ang kumander ng mga sundalo ni Jabin ay si Sisera na nakatira sa Haroset-hagoyim.

3Mayroon siyang siyam na raang karwaheng yari sa bakal at labis niyang pinagmalupitan ang mga Israelita sa loob ng dalawampung taon. Kaya muling humingi ng tulong ang mga Israelita sa Panginoon.

4Nang panahong iyon, si Debora na isang propeta at asawa ni Lapidot ang nagsisilbing hukom ng Israel.

5Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.