Mga Hukom 4

Isang araw, ipinatawag ni Debora si Barak na anak ni Abinoam na taga-Kedes na sakop ng lahi ni Neftali. Pagdating ni Barak, sinabi ni Debora sa kanya, “Inuutusan ka ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na kumuha ng sampung libong lalaki sa lahi ni Neftali at Zebulun, at dalhin sila sa Bundok ng Tabor.

Judges 4:6 (UKJV) And she sent and called Barak the son of Abinoam out of Kedeshnaphtali, and said unto him, Has not the LORD God of Israel commanded, saying, Go and draw toward mount Tabor, and take with you ten thousand men of the children of Naphtali and of the children of Zebulun?

4Nang panahong iyon, si Debora na isang propeta at asawa ni Lapidot ang nagsisilbing hukom ng Israel.

5Nakaugalian niyang umupo sa ilalim ng puno ng Palma ni Debora, sa pagitan ng Rama at Betel sa kaburulan ng Efraim. Doon siya pinupuntahan ng mga Israelita para pagpasyahan niya ang kanilang mga di-pagkakaunawaan.

6Isang araw, ipinatawag ni Debora si Barak na anak ni Abinoam na taga-Kedes na sakop ng lahi ni Neftali. Pagdating ni Barak, sinabi ni Debora sa kanya, “Inuutusan ka ng Panginoon, ang Diyos ng Israel, na kumuha ng sampung libong lalaki sa lahi ni Neftali at Zebulun, at dalhin sila sa Bundok ng Tabor.

7Lilinlangin ko si Sisera, ang kumander ng mga sundalo ni Jabin, na pumunta sa Lambak ng Kison, kasama ang kanyang mga sundalo at mga karwahe. At doon pagtatagumpayin ko kayo laban sa kanya.”

8Sinabi ni Barak kay Debora, “Pupunta ako kung sasáma ka sa akin, ngunit kung hindi ka sasáma, hindi ako pupunta.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.