24“Higit na pinagpala si Jael na asawa ni Heber na Cineo kaysa sa lahat ng babaeng nakatira sa mga tolda.
25Nang humingi ng tubig si Sisera, gatas ang kanyang ibinigay na nakalagay sa mamahaling sisidlan.
26Kinuha niya ang tulos ng tolda gamit ang kaliwang kamay at ang martilyo na pamukpok naman sa kaliwang kamay. Pinukpok niya sa ulo si Sisera, binasag ito at dinurog ang kanyang sentido.
27At humandusay sa paanan niya si Sisera; bumagsak at bumulagta; at kung saan ito humandusay doon ito namatay.
28“Nakadungaw sa bintana ang ina ni Sisera; hindi mapakali at nagtatanong, ‘Bakit hindi pa dumarating ang aking anak? Bakit hindi pa marinig ang tunog ng mga karwahe niya?’