Mga Hukom 6

Umuwi si Gideon at nagluto ng isang batang kambing, at gumawa ng tinapay na walang pampaalsa gamit ang kalahating sako ng harina. Pagkatapos, inilagay niya ang karne sa basket at ang sabaw nito sa kaldero, at dinala niya ang pagkain sa anghel doon sa puno ng terebinto.

Judges 6:19 (UKJV) And Gideon went in, and made ready a kid, and unleavened cakes of an ephah of flour: the flesh he put in a basket, and he put the broth in a pot, and brought it out unto him under the oak, and presented it.

17Sinabi ni Gideon, “Kung nalulugod po kayo sa akin, Panginoon, bigyan nʼyo po ako ng palatandaan na kayo talaga ang nag-uutos sa akin.

18Huwag po muna kayong umalis dahil kukuha ako ng ihahandog ko sa inyo.” Sumagot ang Panginoon, “Hihintayin kita.”

19Umuwi si Gideon at nagluto ng isang batang kambing, at gumawa ng tinapay na walang pampaalsa gamit ang kalahating sako ng harina. Pagkatapos, inilagay niya ang karne sa basket at ang sabaw nito sa kaldero, at dinala niya ang pagkain sa anghel doon sa puno ng terebinto.

20Sinabi sa kanya ng anghel ng Diyos, “Ipatong mo ang karne at tinapay na walang pampaalsa sa batong ito, at buhusan mo ng sabaw.” Sinunod ito ni Gideon.

21Pagkatapos, inabot ng anghel ng Panginoon ang pagkain sa pamamagitan ng tungkod na hawak niya. Bigla na lang lumabas ang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang pampaalsa. At nawala na ang anghel ng Panginoon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.