Mga Hukom 6

Sinabi sa kanya ng anghel ng Diyos, “Ipatong mo ang karne at tinapay na walang pampaalsa sa batong ito, at buhusan mo ng sabaw.” Sinunod ito ni Gideon.

Judges 6:20 (UKJV) And the angel of God said unto him, Take the flesh and the unleavened cakes, and lay them upon this rock, and pour out the broth. And he did so.

18Huwag po muna kayong umalis dahil kukuha ako ng ihahandog ko sa inyo.” Sumagot ang Panginoon, “Hihintayin kita.”

19Umuwi si Gideon at nagluto ng isang batang kambing, at gumawa ng tinapay na walang pampaalsa gamit ang kalahating sako ng harina. Pagkatapos, inilagay niya ang karne sa basket at ang sabaw nito sa kaldero, at dinala niya ang pagkain sa anghel doon sa puno ng terebinto.

20Sinabi sa kanya ng anghel ng Diyos, “Ipatong mo ang karne at tinapay na walang pampaalsa sa batong ito, at buhusan mo ng sabaw.” Sinunod ito ni Gideon.

21Pagkatapos, inabot ng anghel ng Panginoon ang pagkain sa pamamagitan ng tungkod na hawak niya. Bigla na lang lumabas ang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang pampaalsa. At nawala na ang anghel ng Panginoon.

22Nang mapatunayan ni Gideon na anghel nga ng Panginoon ang nakita niya, sinabi niya, “O Makapangyarihang Panginoon, nakita ko po nang harapan ang anghel ng Panginoon!”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.