Mga Hukom 6

Nang mapatunayan ni Gideon na anghel nga ng Panginoon ang nakita niya, sinabi niya, “O Makapangyarihang Panginoon, nakita ko po nang harapan ang anghel ng Panginoon!”

Judges 6:22 (UKJV) And when Gideon perceived that he was an angel of the LORD, Gideon said, Alas, O LORD God! for because I have seen an angel of the LORD face to face.

20Sinabi sa kanya ng anghel ng Diyos, “Ipatong mo ang karne at tinapay na walang pampaalsa sa batong ito, at buhusan mo ng sabaw.” Sinunod ito ni Gideon.

21Pagkatapos, inabot ng anghel ng Panginoon ang pagkain sa pamamagitan ng tungkod na hawak niya. Bigla na lang lumabas ang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang pampaalsa. At nawala na ang anghel ng Panginoon.

22Nang mapatunayan ni Gideon na anghel nga ng Panginoon ang nakita niya, sinabi niya, “O Makapangyarihang Panginoon, nakita ko po nang harapan ang anghel ng Panginoon!”

23Ngunit sinabihan siya ng Panginoon, “Huwag kang mag-alala at matakot. Hindi ka mamamatay.”

24Nagpatayo roon si Gideon ng altar para sa Panginoon at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ay Kapayapaan.” Hanggang ngayon, naroon pa rin iyon sa Ofra, sa lugar ng mga angkan ni Abiezer.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.