21Pagkatapos, inabot ng anghel ng Panginoon ang pagkain sa pamamagitan ng tungkod na hawak niya. Bigla na lang lumabas ang apoy mula sa bato at tinupok ang karne at ang tinapay na walang pampaalsa. At nawala na ang anghel ng Panginoon.
22Nang mapatunayan ni Gideon na anghel nga ng Panginoon ang nakita niya, sinabi niya, “O Makapangyarihang Panginoon, nakita ko po nang harapan ang anghel ng Panginoon!”
23Ngunit sinabihan siya ng Panginoon, “Huwag kang mag-alala at matakot. Hindi ka mamamatay.”
24Nagpatayo roon si Gideon ng altar para sa Panginoon at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ay Kapayapaan.” Hanggang ngayon, naroon pa rin iyon sa Ofra, sa lugar ng mga angkan ni Abiezer.
25Nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Kunin mo ang pangalawang toro ng iyong ama, iyong pitong taóng gulang na. At gamitin mo ito para gibain ang altar na ipinatayo ng iyong ama para kay Baal. Putulin mo rin ang katabi nitong posteng imahen ni Ashera.