Mga Hukom 6

Nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Kunin mo ang pangalawang toro ng iyong ama, iyong pitong taóng gulang na. At gamitin mo ito para gibain ang altar na ipinatayo ng iyong ama para kay Baal. Putulin mo rin ang katabi nitong posteng imahen ni Ashera.

Judges 6:25 (UKJV) And it came to pass the same night, that the LORD said unto him, Take your father's young bullock, even the second bullock of seven years old, and throw down the altar of Baal that your father has, and cut down the grove that is by it:

23Ngunit sinabihan siya ng Panginoon, “Huwag kang mag-alala at matakot. Hindi ka mamamatay.”

24Nagpatayo roon si Gideon ng altar para sa Panginoon at tinawag niya itong, “Ang Panginoon ay Kapayapaan.” Hanggang ngayon, naroon pa rin iyon sa Ofra, sa lugar ng mga angkan ni Abiezer.

25Nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Kunin mo ang pangalawang toro ng iyong ama, iyong pitong taóng gulang na. At gamitin mo ito para gibain ang altar na ipinatayo ng iyong ama para kay Baal. Putulin mo rin ang katabi nitong posteng imahen ni Ashera.

26Pagkatapos, magpatayo ka ng tamang altar para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, sa ibabaw ng bundok na ito. Kunin mo ang toro at ialay mo sa akin bilang handog na sinusunog. At gamitin mong panggatong ang pinutol mong posteng imahen ni Ashera.”

27Kaya nagsama si Gideon ng sampu sa kanyang mga utusan at ginawa niya ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ngunit dahil natatakot siya sa pamilya niya at sa kanyang mga kababayan, ginawa niya ito sa gabi at hindi sa araw.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.