25Nang gabi ring iyon, sinabi ng Panginoon kay Gideon, “Kunin mo ang pangalawang toro ng iyong ama, iyong pitong taóng gulang na. At gamitin mo ito para gibain ang altar na ipinatayo ng iyong ama para kay Baal. Putulin mo rin ang katabi nitong posteng imahen ni Ashera.
26Pagkatapos, magpatayo ka ng tamang altar para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, sa ibabaw ng bundok na ito. Kunin mo ang toro at ialay mo sa akin bilang handog na sinusunog. At gamitin mong panggatong ang pinutol mong posteng imahen ni Ashera.”
27Kaya nagsama si Gideon ng sampu sa kanyang mga utusan at ginawa niya ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ngunit dahil natatakot siya sa pamilya niya at sa kanyang mga kababayan, ginawa niya ito sa gabi at hindi sa araw.
28Kinaumagahan, nakita ng mga tao na wasak na ang altar ni Baal, at putol-putol na ang posteng imahen ni Ashera at ito ang ipinanggatong sa toro na inihandog sa bagong altar.
29Tinanong nila ang isaʼt isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang maigi nilang siniyasat ito, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa nito.”