Mga Hukom 6

Kinaumagahan, nakita ng mga tao na wasak na ang altar ni Baal, at putol-putol na ang posteng imahen ni Ashera at ito ang ipinanggatong sa toro na inihandog sa bagong altar.

Judges 6:28 (UKJV) And when the men of the city arose early in the morning, behold, the altar of Baal was cast down, and the grove was cut down that was by it, and the second bullock was offered upon the altar that was built.

26Pagkatapos, magpatayo ka ng tamang altar para sa akin, ang Panginoon na iyong Diyos, sa ibabaw ng bundok na ito. Kunin mo ang toro at ialay mo sa akin bilang handog na sinusunog. At gamitin mong panggatong ang pinutol mong posteng imahen ni Ashera.”

27Kaya nagsama si Gideon ng sampu sa kanyang mga utusan at ginawa niya ang iniutos sa kanya ng Panginoon. Ngunit dahil natatakot siya sa pamilya niya at sa kanyang mga kababayan, ginawa niya ito sa gabi at hindi sa araw.

28Kinaumagahan, nakita ng mga tao na wasak na ang altar ni Baal, at putol-putol na ang posteng imahen ni Ashera at ito ang ipinanggatong sa toro na inihandog sa bagong altar.

29Tinanong nila ang isaʼt isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang maigi nilang siniyasat ito, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa nito.”

30Kayaʼt sinabihan nila si Joas, “Ilabas mo ang iyong anak! Dapat siyang mamatay dahil giniba niya ang altar ni Baal at pinagpuputol ang posteng imahen ni Ashera.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.