28Kinaumagahan, nakita ng mga tao na wasak na ang altar ni Baal, at putol-putol na ang posteng imahen ni Ashera at ito ang ipinanggatong sa toro na inihandog sa bagong altar.
29Tinanong nila ang isaʼt isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang maigi nilang siniyasat ito, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa nito.”
30Kayaʼt sinabihan nila si Joas, “Ilabas mo ang iyong anak! Dapat siyang mamatay dahil giniba niya ang altar ni Baal at pinagpuputol ang posteng imahen ni Ashera.”
31Sumagot si Joas sa mga taong galit na nakapaligid sa kanya, “Nakikipagtalo ba kayo sa akin para kay Baal? Ipinagtatanggol nʼyo ba siya? Ang sinumang magtatanggol sa kanya ay dapat patayin sa umagang ito. Kung si Baal ay totoong diyos, maipagtatanggol niya ang sarili niya sa gumiba ng altar niya.”
32Mula noon, tinawag si Gideon na “Jerubaal” na ang ibig sabihin ay, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kanyang sarili,” dahil giniba niya ang altar nito.