Mga Hukom 6

Sumagot si Joas sa mga taong galit na nakapaligid sa kanya, “Nakikipagtalo ba kayo sa akin para kay Baal? Ipinagtatanggol nʼyo ba siya? Ang sinumang magtatanggol sa kanya ay dapat patayin sa umagang ito. Kung si Baal ay totoong diyos, maipagtatanggol niya ang sarili niya sa gumiba ng altar niya.”

Judges 6:31 (UKJV) And Joash said unto all that stood against him, Will all of you plead for Baal? will all of you save him? he that will plead for him, let him be put to death whilst it is yet morning: if he be a god, let him plead for himself, because one has cast down his altar.

29Tinanong nila ang isaʼt isa, “Sino ang gumawa nito?” Nang maigi nilang siniyasat ito, “Si Gideon na anak ni Joas ang gumawa nito.”

30Kayaʼt sinabihan nila si Joas, “Ilabas mo ang iyong anak! Dapat siyang mamatay dahil giniba niya ang altar ni Baal at pinagpuputol ang posteng imahen ni Ashera.”

31Sumagot si Joas sa mga taong galit na nakapaligid sa kanya, “Nakikipagtalo ba kayo sa akin para kay Baal? Ipinagtatanggol nʼyo ba siya? Ang sinumang magtatanggol sa kanya ay dapat patayin sa umagang ito. Kung si Baal ay totoong diyos, maipagtatanggol niya ang sarili niya sa gumiba ng altar niya.”

32Mula noon, tinawag si Gideon na “Jerubaal” na ang ibig sabihin ay, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kanyang sarili,” dahil giniba niya ang altar nito.

33Ngayon, nagkaisa ang mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan sa paglaban sa Israel. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagkampo sa Lambak ng Jezreel.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.