Mga Hukom 6

Ngayon, nagkaisa ang mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan sa paglaban sa Israel. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagkampo sa Lambak ng Jezreel.

Judges 6:33 (UKJV) Then all the Midianites and the Amalekites and the children of the east were gathered together, and went over, and pitched in the valley of Jezreel.

31Sumagot si Joas sa mga taong galit na nakapaligid sa kanya, “Nakikipagtalo ba kayo sa akin para kay Baal? Ipinagtatanggol nʼyo ba siya? Ang sinumang magtatanggol sa kanya ay dapat patayin sa umagang ito. Kung si Baal ay totoong diyos, maipagtatanggol niya ang sarili niya sa gumiba ng altar niya.”

32Mula noon, tinawag si Gideon na “Jerubaal” na ang ibig sabihin ay, “Hayaang ipagtanggol ni Baal ang kanyang sarili,” dahil giniba niya ang altar nito.

33Ngayon, nagkaisa ang mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan sa paglaban sa Israel. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagkampo sa Lambak ng Jezreel.

34Ginabayan si Gideon ng Espiritu ng Panginoon at pinatunog niya ang trumpeta upang tawagin ang mga angkan ni Abiezer upang sumunod sa kanya.

35Nagsugo rin siya ng mga mensahero sa buong lahi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang tawagin sila na sumáma sa pakikipaglaban. At sumáma sila kay Gideon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.