Mga Hukom 6

Nagsugo rin siya ng mga mensahero sa buong lahi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang tawagin sila na sumáma sa pakikipaglaban. At sumáma sila kay Gideon.

Judges 6:35 (UKJV) And he sent messengers throughout all Manasseh; who also was gathered after him: and he sent messengers unto Asher, and unto Zebulun, and unto Naphtali; and they came up to meet them.

33Ngayon, nagkaisa ang mga Midianita, Amalekita at iba pang mga tao sa silangan sa paglaban sa Israel. Tumawid sila sa Ilog Jordan at nagkampo sa Lambak ng Jezreel.

34Ginabayan si Gideon ng Espiritu ng Panginoon at pinatunog niya ang trumpeta upang tawagin ang mga angkan ni Abiezer upang sumunod sa kanya.

35Nagsugo rin siya ng mga mensahero sa buong lahi nina Manases, Asher, Zebulun at Neftali upang tawagin sila na sumáma sa pakikipaglaban. At sumáma sila kay Gideon.

36Sinabi ni Gideon sa Diyos, “Sinabi nʼyo po na gagamitin nʼyo ako upang iligtas ang Israel.

37Ngayon, maglalagay po ako ng balahibo ng tupa sa lupang ginigiikan namin ng trigo. Kung mabasa po ito ng hamog kahit tuyo ang lupa, malalaman ko po na ako nga ang gagamitin nʼyo upang iligtas ang Israel ayon sa sinabi ninyo.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.