Mga Hukom 7

Habang tumutunog ang trumpeta ng tatlong daang Israelita, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Midianita sa loob ng kampo. Ang iba ay tumakas papunta sa Bet-sita malapit sa Zerera hanggang sa Abel-mehola malapit sa Tabata.

Judges 7:22 (UKJV) And the three hundred blew the trumpets, and the LORD set every man's sword against his fellow, even throughout all the host: and the host fled to Bethshittah in Zererath, and to the border of Abelmeholah, unto Tabbath.

20Ganoon din ang ginawa ng ibang grupo. At habang hawak nila ang ilaw sa kaliwang kamay at ang trumpeta sa kanang kamay, sumisigaw sila, “Lumaban tayo gamit ang ating espada para sa Panginoon at kay Gideon.”

21Ang bawat isa ay pumuwesto sa kanya-kanyang lugar sa palibot ng kampo, ngunit ang mga kalaban nila ay nagsisisigaw na nagsitakas.

22Habang tumutunog ang trumpeta ng tatlong daang Israelita, pinaglaban-laban ng Panginoon ang mga Midianita sa loob ng kampo. Ang iba ay tumakas papunta sa Bet-sita malapit sa Zerera hanggang sa Abel-mehola malapit sa Tabata.

23Ipinatawag ni Gideon ang mga Israelita mula sa lahi nina Neftali, Asher at sa buong lahi ni Manases, at ipinahabol sa kanila ang mga Midianita.

24Nagsugo rin si Gideon ng mga mensahero para sabihin sa mga naninirahan sa kaburulan ng Efraim na magbantay sila sa Ilog Jordan hanggang sa sapa ng Bet-bara upang hindi makatawid ang mga Midianita roon. Sinunod ito ng lahat ng lalaki sa Efraim, at binantayan nila ang Ilog Jordan hanggang sa sapa ng Bet-bara.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.