17Giniba rin niya ang tore sa Penuel at pinatay ang mga lalaki roon.
18At tinanong ni Gideon sina Zeba at Zalmuna, “Ano ba ang itsura ng mga lalaking pinatay nʼyo sa Tabor?” Sumagot sila, “Katulad mo na parang mga anak ng hari.”
19Sinabi ni Gideon, “Mga kapatid ko sila; mga anak mismo ng aking ina. Nangangako ako sa buháy na Panginoon na hindi ko kayo papatayin kung hindi nʼyo sila pinatay.”
20Ngunit sinabi niya sa panganay niyang anak na si Jeter, “Patayin sila!” Ngunit dahil bata pa si Jeter, natakot siya, kaya hindi niya binunot ang kanyang espada.
21Sinabi nina Zeba at Zalmuna kay Gideon, “Bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa amin? Kung tunay kang lalaki, ikaw na ang pumatay sa amin.” Kaya pinatay sila ni Gideon at kinuha niya ang mga palamuti sa leeg ng kanilang mga kamelyo.