Mga Hukom 8

Ngunit sinabi niya sa panganay niyang anak na si Jeter, “Patayin sila!” Ngunit dahil bata pa si Jeter, natakot siya, kaya hindi niya binunot ang kanyang espada.

Judges 8:20 (UKJV) And he said unto Jether his firstborn, Up, and slay them. But the youth drew not his sword: for he feared, because he was yet a youth.

18At tinanong ni Gideon sina Zeba at Zalmuna, “Ano ba ang itsura ng mga lalaking pinatay nʼyo sa Tabor?” Sumagot sila, “Katulad mo na parang mga anak ng hari.”

19Sinabi ni Gideon, “Mga kapatid ko sila; mga anak mismo ng aking ina. Nangangako ako sa buháy na Panginoon na hindi ko kayo papatayin kung hindi nʼyo sila pinatay.”

20Ngunit sinabi niya sa panganay niyang anak na si Jeter, “Patayin sila!” Ngunit dahil bata pa si Jeter, natakot siya, kaya hindi niya binunot ang kanyang espada.

21Sinabi nina Zeba at Zalmuna kay Gideon, “Bakit hindi na lang ikaw ang pumatay sa amin? Kung tunay kang lalaki, ikaw na ang pumatay sa amin.” Kaya pinatay sila ni Gideon at kinuha niya ang mga palamuti sa leeg ng kanilang mga kamelyo.

22Sinabi ng mga Israelita kay Gideon, “Dahil ikaw ang nagligtas sa amin sa mga Midianita, ikaw na lang at ang mga angkan mo ang mamuno sa amin.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.