Mga Hukom 8

Ngunit sumagot si Gideon sa kanila, “Ano ba ang nagawa ko kumpara sa nagawa nʼyo? Kahit ang maliit na ginawa ninyo ay higit pa kumpara sa lahat ng nagawa ng pamilya namin.

Judges 8:2 (UKJV) And he said unto them, What have I done now in comparison of you? Is not the gleaning of the grapes of Ephraim better than the vintage of Abiezer?

1Ngayon, tinanong ng mga taga-Efraim si Gideon, “Bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Midianita?” Nakipagtalo sila nang matindi kay Gideon.

2Ngunit sumagot si Gideon sa kanila, “Ano ba ang nagawa ko kumpara sa nagawa nʼyo? Kahit ang maliit na ginawa ninyo ay higit pa kumpara sa lahat ng nagawa ng pamilya namin.

3Hinayaan ng Diyos na matalo nʼyo ang dalawang pinuno ng mga Midianita na sina Oreb at Zeeb. Ano ba ang nagawa ko kung ikukumpara doon?” Nang masabi ito ni Gideon, huminahon na sila.

4Pagkatapos, tumawid si Gideon at ang tatlong daang tauhan niya sa Ilog Jordan. Kahit pagod na pagod naʼy patuloy pa rin nilang hinabol ang mga kalaban nila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.