Mga Hukom 8

Hinayaan ng Diyos na matalo nʼyo ang dalawang pinuno ng mga Midianita na sina Oreb at Zeeb. Ano ba ang nagawa ko kung ikukumpara doon?” Nang masabi ito ni Gideon, huminahon na sila.

Judges 8:3 (UKJV) God has delivered into your hands the princes of Midian, Oreb and Zeeb: and what was I able to do in comparison of you? Then their anger was decreased toward him, when he had said that.

1Ngayon, tinanong ng mga taga-Efraim si Gideon, “Bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Midianita?” Nakipagtalo sila nang matindi kay Gideon.

2Ngunit sumagot si Gideon sa kanila, “Ano ba ang nagawa ko kumpara sa nagawa nʼyo? Kahit ang maliit na ginawa ninyo ay higit pa kumpara sa lahat ng nagawa ng pamilya namin.

3Hinayaan ng Diyos na matalo nʼyo ang dalawang pinuno ng mga Midianita na sina Oreb at Zeeb. Ano ba ang nagawa ko kung ikukumpara doon?” Nang masabi ito ni Gideon, huminahon na sila.

4Pagkatapos, tumawid si Gideon at ang tatlong daang tauhan niya sa Ilog Jordan. Kahit pagod na pagod naʼy patuloy pa rin nilang hinabol ang mga kalaban nila.

5Nang makarating sila sa Sucot, humiling si Gideon sa mga tagaroon. Sinabi niya, “Maaari po bang makahingi ng pagkain? Pagod na pagod at gutom na gutom na kami, at hahabulin pa namin ang dalawang hari ng Midian na sina Zeba at Zalmuna.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.