Mga Hukom 8

Ngayon, tinanong ng mga taga-Efraim si Gideon, “Bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Midianita?” Nakipagtalo sila nang matindi kay Gideon.

Judges 8:1 (UKJV) And the men of Ephraim said unto him, Why have you served us thus, that you called us not, when you went to fight with the Midianites? And they did chide with him sharply.

1Ngayon, tinanong ng mga taga-Efraim si Gideon, “Bakit ganito ang ginawa mo sa amin? Bakit hindi mo kami tinawag noong nakipaglaban kayo sa mga Midianita?” Nakipagtalo sila nang matindi kay Gideon.

2Ngunit sumagot si Gideon sa kanila, “Ano ba ang nagawa ko kumpara sa nagawa nʼyo? Kahit ang maliit na ginawa ninyo ay higit pa kumpara sa lahat ng nagawa ng pamilya namin.

3Hinayaan ng Diyos na matalo nʼyo ang dalawang pinuno ng mga Midianita na sina Oreb at Zeeb. Ano ba ang nagawa ko kung ikukumpara doon?” Nang masabi ito ni Gideon, huminahon na sila.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.