Mga Hukom 8

Ang bigat ng mga gintong hikaw na natipon ay dalawampung kilo, hindi pa kasama ang mga dekorasyon, kuwintas, damit na kulay ube ng mga hari ng Midian at ang mga nakasabit sa leeg ng mga kamelyo nila.

Judges 8:26 (UKJV) And the weight of the golden earrings that he requested was a thousand and seven hundred shekels of gold; beside ornaments, and collars, and purple raiment that was on the kings of Midian, and beside the chains that were about their camels' necks.

24Ngunit may hihilingin ako sa inyo: maaari bang ang bawat isa sa inyo ay magbigay sa akin ng mga hikaw na nasamsam nʼyo sa mga Midianita?” (Nakahikaw ng ginto ang mga Midianita ayon sa kanilang nakaugalian bilang mga Ismaelita.)

25Sumagot ang mga tao, “Oo, bibigyan ka namin.” Naglatag sila ng isang damit at naglagay ang bawat isa roon ng hikaw mula sa nasamsam nila.

26Ang bigat ng mga gintong hikaw na natipon ay dalawampung kilo, hindi pa kasama ang mga dekorasyon, kuwintas, damit na kulay ube ng mga hari ng Midian at ang mga nakasabit sa leeg ng mga kamelyo nila.

27Mula sa natipon na ginto, nagpagawa si Gideon ng isang efod at inilagay ito sa bayan niya sa Ofra. Muling tumalikod ang mga Israelita sa Diyos at sumamba sa ipinagawa ni Gideon. Naging malaking bitag ito kay Gideon at sa kanyang pamilya.

28Kaya lubusang natalo ng mga Israelita ang mga Midianita at hindi na nakabawi pa ang mga ito. Naging mapayapa ang Israel sa loob ng apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.