Mga Hukom 8

Kaya lubusang natalo ng mga Israelita ang mga Midianita at hindi na nakabawi pa ang mga ito. Naging mapayapa ang Israel sa loob ng apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon.

Judges 8:28 (UKJV) Thus was Midian subdued before the children of Israel, so that they lifted up their heads no more. And the country was in quietness forty years in the days of Gideon.

26Ang bigat ng mga gintong hikaw na natipon ay dalawampung kilo, hindi pa kasama ang mga dekorasyon, kuwintas, damit na kulay ube ng mga hari ng Midian at ang mga nakasabit sa leeg ng mga kamelyo nila.

27Mula sa natipon na ginto, nagpagawa si Gideon ng isang efod at inilagay ito sa bayan niya sa Ofra. Muling tumalikod ang mga Israelita sa Diyos at sumamba sa ipinagawa ni Gideon. Naging malaking bitag ito kay Gideon at sa kanyang pamilya.

28Kaya lubusang natalo ng mga Israelita ang mga Midianita at hindi na nakabawi pa ang mga ito. Naging mapayapa ang Israel sa loob ng apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon.

29Umuwi si Gideon sa sarili niyang bahay at doon tumira.

30May pitumpu siyang anak na lalaki dahil marami siyang asawa.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.