27Mula sa natipon na ginto, nagpagawa si Gideon ng isang efod at inilagay ito sa bayan niya sa Ofra. Muling tumalikod ang mga Israelita sa Diyos at sumamba sa ipinagawa ni Gideon. Naging malaking bitag ito kay Gideon at sa kanyang pamilya.
28Kaya lubusang natalo ng mga Israelita ang mga Midianita at hindi na nakabawi pa ang mga ito. Naging mapayapa ang Israel sa loob ng apatnapung taon habang nabubuhay si Gideon.
29Umuwi si Gideon sa sarili niyang bahay at doon tumira.
30May pitumpu siyang anak na lalaki dahil marami siyang asawa.
31May asawang alipin pa siya sa Shekem at may anak silang lalaki na pinangalanan niyang Abimelec.