Mga Hukom 9

“Tanungin ninyo ang lahat ng mga taga-Shekem kung alin ang gusto nila: pamunuan sila ng pitumpung anak ni Gideon o ng isang tao lang? Alalahanin ninyo na akoʼy kadugo ninyo.”

Judges 9:2 (UKJV) Speak, I pray you, in the ears of all the men of Shechem, Whether is better for you, either that all the sons of Jerubbaal, which are threescore and ten persons, reign over you, or that one reign over you? remember also that I am your bone and your flesh.

1Isang araw, pumunta si Abimelec na anak ni Gideon sa mga kamag-anak ng kanyang ina sa Shekem. Sinabi niya sa kanila,

2“Tanungin ninyo ang lahat ng mga taga-Shekem kung alin ang gusto nila: pamunuan sila ng pitumpung anak ni Gideon o ng isang tao lang? Alalahanin ninyo na akoʼy kadugo ninyo.”

3Kaya nakipag-usap ang mga kamag-anak ni Abimelec sa mga taga-Shekem. Pumayag silang si Abimelec ang mamuno sa kanila, dahil kamag-anak nila ito.

4Binigyan nila si Abimelec ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-berit, at ginamit niya itong pambayad sa mga taong walang kabuluhan ang ginagawa upang sumunod sila sa kanya.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.