Mga Hukom 9

Binigyan nila si Abimelec ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-berit, at ginamit niya itong pambayad sa mga taong walang kabuluhan ang ginagawa upang sumunod sila sa kanya.

Judges 9:4 (UKJV) And they gave him threescore and ten pieces of silver out of the house of Baalberith, wherewith Abimelech hired vain and light persons, which followed him.

2“Tanungin ninyo ang lahat ng mga taga-Shekem kung alin ang gusto nila: pamunuan sila ng pitumpung anak ni Gideon o ng isang tao lang? Alalahanin ninyo na akoʼy kadugo ninyo.”

3Kaya nakipag-usap ang mga kamag-anak ni Abimelec sa mga taga-Shekem. Pumayag silang si Abimelec ang mamuno sa kanila, dahil kamag-anak nila ito.

4Binigyan nila si Abimelec ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-berit, at ginamit niya itong pambayad sa mga taong walang kabuluhan ang ginagawa upang sumunod sila sa kanya.

5Pagkatapos, pumunta si Abimelec sa bahay ng kanyang ama sa Ofra. At doon, sa ibabaw ng isang bato, pinatay niya ang pitumpung kapatid niya sa ama niyang si Gideon. Ngunit ang bunsong si Jotam ay hindi napatay dahil nakapagtago ito.

6Nagtipon ang mga taga-Shekem at taga-Bet-milo sa may puno ng terebinto sa Shekem at doon ginawa nilang hari si Abimelec.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.