Mga Hukom 9

Nagtipon ang mga taga-Shekem at taga-Bet-milo sa may puno ng terebinto sa Shekem at doon ginawa nilang hari si Abimelec.

Judges 9:6 (UKJV) And all the men of Shechem gathered together, and all the house of Millo, and went, and made Abimelech king, by the plain of the pillar that was in Shechem.

4Binigyan nila si Abimelec ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-berit, at ginamit niya itong pambayad sa mga taong walang kabuluhan ang ginagawa upang sumunod sila sa kanya.

5Pagkatapos, pumunta si Abimelec sa bahay ng kanyang ama sa Ofra. At doon, sa ibabaw ng isang bato, pinatay niya ang pitumpung kapatid niya sa ama niyang si Gideon. Ngunit ang bunsong si Jotam ay hindi napatay dahil nakapagtago ito.

6Nagtipon ang mga taga-Shekem at taga-Bet-milo sa may puno ng terebinto sa Shekem at doon ginawa nilang hari si Abimelec.

7Nang marinig ito ni Jotam, umakyat siya sa ibabaw ng Bundok ng Gerizim at sumigaw sa kanila, “Mga taga-Shekem, pakinggan nʼyo ako kung gusto nʼyong pakinggan kayo ng Diyos!

8Isasalaysay ko sa inyo ang isang kuwento tungkol sa mga kahoy na naghahanap ng maghahari sa kanila. Sinabi nila sa kahoy na olibo, ‘Ikaw ang maghari sa amin.’

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.