Mga Hukom 9

Pagkatapos, pumunta si Abimelec sa bahay ng kanyang ama sa Ofra. At doon, sa ibabaw ng isang bato, pinatay niya ang pitumpung kapatid niya sa ama niyang si Gideon. Ngunit ang bunsong si Jotam ay hindi napatay dahil nakapagtago ito.

Judges 9:5 (UKJV) And he went unto his father's house at Ophrah, and slew his brethren the sons of Jerubbaal, being threescore and ten persons, upon one stone: notwithstanding yet Jotham the youngest son of Jerubbaal was left; for he hid himself.

3Kaya nakipag-usap ang mga kamag-anak ni Abimelec sa mga taga-Shekem. Pumayag silang si Abimelec ang mamuno sa kanila, dahil kamag-anak nila ito.

4Binigyan nila si Abimelec ng pitumpung pirasong pilak mula sa templo ni Baal-berit, at ginamit niya itong pambayad sa mga taong walang kabuluhan ang ginagawa upang sumunod sila sa kanya.

5Pagkatapos, pumunta si Abimelec sa bahay ng kanyang ama sa Ofra. At doon, sa ibabaw ng isang bato, pinatay niya ang pitumpung kapatid niya sa ama niyang si Gideon. Ngunit ang bunsong si Jotam ay hindi napatay dahil nakapagtago ito.

6Nagtipon ang mga taga-Shekem at taga-Bet-milo sa may puno ng terebinto sa Shekem at doon ginawa nilang hari si Abimelec.

7Nang marinig ito ni Jotam, umakyat siya sa ibabaw ng Bundok ng Gerizim at sumigaw sa kanila, “Mga taga-Shekem, pakinggan nʼyo ako kung gusto nʼyong pakinggan kayo ng Diyos!

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.