Mga Panaghoy 1

“Itinali ang aking mga kasalanan at ginawang pamatok; sariling kamay niya ang naghabi nito. Inilagay niya ito sa aking batok, at inubos ang aking lakas. Ako ay ibinigay sa kamay ng mga taong hindi ko kayang labanan.

Lamentations 1:14 (UKJV) The yoke of my transgressions is bound by his hand: they are wreathed, and come up upon my neck: he has made my strength to fall, the LORD has delivered me into their hands, from whom I am not able to rise up.

12Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng Panginoon nang magalit siya sa akin.

13“Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa kaya akoʼy napaatras. Iniwan niya akong wasak at nanghihina buong maghapon.

14“Itinali ang aking mga kasalanan at ginawang pamatok; sariling kamay niya ang naghabi nito. Inilagay niya ito sa aking batok, at inubos ang aking lakas. Ako ay ibinigay sa kamay ng mga taong hindi ko kayang labanan.

15“Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.

16“Iyan ang dahilan kung bakit akoʼy umiiyak, at dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Walang nagpapalakas sa akin ni walang umaalo. Nakakaawa ang aking mga mamamayan dahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.