Mga Panaghoy 1

“Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa kaya akoʼy napaatras. Iniwan niya akong wasak at nanghihina buong maghapon.

Lamentations 1:13 (UKJV) From above has he sent fire into my bones, and it prevails against them: he has spread a net for my feet, he has turned me back: he has made me desolate and faint all the day.

11Ang mga mamamayan niyaʼy dumadaing habang naghahanap ng pagkain. Ipinagpalit nila ang kanilang mga kayamanan para sa pagkain upang mabuhay. Sinabi ng Jerusalem, “O Panginoon, pagmasdan po ninyo sapagkat akoʼy nasa kahihiyan.”

12Sinabi rin niya sa mga dumaraan, “Balewala lang ba ito sa inyo? May nakita ba kayong naghirap na kagaya ko? Ang paghihirap na ito ay ipinataw sa akin ng Panginoon nang magalit siya sa akin.

13“Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa kaya akoʼy napaatras. Iniwan niya akong wasak at nanghihina buong maghapon.

14“Itinali ang aking mga kasalanan at ginawang pamatok; sariling kamay niya ang naghabi nito. Inilagay niya ito sa aking batok, at inubos ang aking lakas. Ako ay ibinigay sa kamay ng mga taong hindi ko kayang labanan.

15“Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.