Mga Panaghoy 1

“Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.

Lamentations 1:15 (UKJV) The LORD has trodden under foot all my mighty men in the midst of me: he has called an assembly against me to crush my young men: the LORD has trodden the virgin, the daughter of Judah, as in a winepress.

13“Mula sa langit, nagpadala siya ng apoy na tila sumusunog sa aking mga buto. Naglagay siya ng bitag para sa aking mga paa kaya akoʼy napaatras. Iniwan niya akong wasak at nanghihina buong maghapon.

14“Itinali ang aking mga kasalanan at ginawang pamatok; sariling kamay niya ang naghabi nito. Inilagay niya ito sa aking batok, at inubos ang aking lakas. Ako ay ibinigay sa kamay ng mga taong hindi ko kayang labanan.

15“Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.

16“Iyan ang dahilan kung bakit akoʼy umiiyak, at dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Walang nagpapalakas sa akin ni walang umaalo. Nakakaawa ang aking mga mamamayan dahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”

17Humingi ng tulong ang Jerusalem pero walang tumulong sa kanya. Sapagkat niloob ng Panginoon na makaaway ng lahi ni Jacob ang mga bansa sa palibot niya. Itinuring nila ang Jerusalem na napakaruming basahan ang Jerusalem at dapat nang itapon.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.