15“Itinakwil ng Panginoon ang lahat ng aking mga kawal. Tinipon niya ang aking mga kaaway upang lipulin ang aking mga kabataang sundalo. Ang mga mamamayan ng Juda ay naging tulad ng ubas na inilagay ng Panginoon sa pisaan at tinapak-tapakan.
16“Iyan ang dahilan kung bakit akoʼy umiiyak, at dumadaloy ang luha sa aking mga mata. Walang nagpapalakas sa akin ni walang umaalo. Nakakaawa ang aking mga mamamayan dahil natalo sila ng kanilang mga kaaway.”
17Humingi ng tulong ang Jerusalem pero walang tumulong sa kanya. Sapagkat niloob ng Panginoon na makaaway ng lahi ni Jacob ang mga bansa sa palibot niya. Itinuring nila ang Jerusalem na napakaruming basahan ang Jerusalem at dapat nang itapon.
18“Matuwid ang Panginoon, ngunit hindi ko sinunod ang kanyang mga utos. Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo ako at tingnan ang aking paghihirap. Ang mga kabataan kong babae at lalaki ay dinala sa malayong lupain at binihag.
19“Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi ngunit pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.