17Humingi ng tulong ang Jerusalem pero walang tumulong sa kanya. Sapagkat niloob ng Panginoon na makaaway ng lahi ni Jacob ang mga bansa sa palibot niya. Itinuring nila ang Jerusalem na napakaruming basahan ang Jerusalem at dapat nang itapon.
18“Matuwid ang Panginoon, ngunit hindi ko sinunod ang kanyang mga utos. Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo ako at tingnan ang aking paghihirap. Ang mga kabataan kong babae at lalaki ay dinala sa malayong lupain at binihag.
19“Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi ngunit pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.
20“Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan! Nagdurusa ang aking kalooban at parang pinipiga ang puso ko, sapagkat naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng aking tahanan.
21“Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila, upang maging katulad ko rin sila.