Mga Panaghoy 1

“Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan! Nagdurusa ang aking kalooban at parang pinipiga ang puso ko, sapagkat naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng aking tahanan.

Lamentations 1:20 (UKJV) Behold, O LORD; for I am in distress: my bowels are troubled; mine heart is turned within me; for I have grievously rebelled: abroad the sword bereaves, at home there is as death.

18“Matuwid ang Panginoon, ngunit hindi ko sinunod ang kanyang mga utos. Kaya lahat kayo, pakinggan ninyo ako at tingnan ang aking paghihirap. Ang mga kabataan kong babae at lalaki ay dinala sa malayong lupain at binihag.

19“Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi ngunit pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.

20“Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan! Nagdurusa ang aking kalooban at parang pinipiga ang puso ko, sapagkat naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng aking tahanan.

21“Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila, upang maging katulad ko rin sila.

22“Masdan ninyo ang lahat ng kasamaang ginagawa nila; parusahan nʼyo sila tulad ng pagpaparusa nʼyo sa akin dahil sa lahat ng aking kasalanan. Paulit-ulit akong dumadaing at parang mawawalan na ako ng malay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.