Mga Panaghoy 1

“Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila, upang maging katulad ko rin sila.

Lamentations 1:21 (UKJV) They have heard that I sigh: there is none to comfort me: all mine enemies have heard of my trouble; they are glad that you have done it: you will bring the day that you have called, and they shall be like unto me.

19“Humingi ako ng tulong sa aking mga kakampi ngunit pinagtaksilan nila ako. Namatay ang aking mga pari at ang mga tagapamahala ng lungsod habang naghahanap ng pagkain para mabuhay.

20“Panginoon, masdan po ninyo ang aking kagipitan! Nagdurusa ang aking kalooban at parang pinipiga ang puso ko, sapagkat naghihimagsik ako sa inyo. Kabi-kabila ang patayan sa aking mga lansangan pati na sa loob ng aking tahanan.

21“Narinig ng mga tao ang pagdaing ko ngunit wala kahit isang umaalo sa akin. Nalaman ng lahat ng kaaway ko ang aking mga paghihirap at natuwa sila sa ginawa nʼyong ito sa akin. Dumating na sana ang araw na ipinangako ninyong pagpaparusa sa kanila, upang maging katulad ko rin sila.

22“Masdan ninyo ang lahat ng kasamaang ginagawa nila; parusahan nʼyo sila tulad ng pagpaparusa nʼyo sa akin dahil sa lahat ng aking kasalanan. Paulit-ulit akong dumadaing at parang mawawalan na ako ng malay.”

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.