Mga Panaghoy 2

Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag ninyo silang pinatay.

Lamentations 2:21 (UKJV) The young and the old lie on the ground in the streets: my virgins and my young men are fallen by the sword; you have slain them in the day of yours anger; you have killed, and not pitied.

19Bumangon kayo sa gabi at humingi ng tulong sa Panginoon. Ibuhos ninyo sa kanya ang laman ng inyong mga puso, na para kayong nagbubuhos ng tubig. Itaas ninyo ang inyong mga kamay sa pananalangin para sa inyong mga anak na nawawalan ng malay sa mga lansangan dahil sa gutom.

20Masdan po ninyo kami Panginoon. Isipin nʼyo kung sino ang pinaparusahan nʼyo ng ganito. Dahil sa labis na pagkagutom, kinain ng mga ina ang mga kanilang anak na kanilang inaalagaan. Ang mga pari at ang mga propeta ay pinapatay sa Templo ng Panginoon.

21Nakahambalang sa mga lansangan ang mga bangkay ng mga bata at matatanda. Namamatay sa digmaan ang mga kabataang lalaki at babae. Sa inyong galit, walang habag ninyo silang pinatay.

22Inanyayahan ninyo ang mga kaaway upang akoʼy salakayin sa lahat ng panig, na para kayong nang-iimbita sa kanila sa pista. Sa araw ng paghatol ng Panginoon, walang nakatakas o natirang buháy. Pinatay ng aking mga kaaway ang aking mga anak na isinilang at pinalaki.

Biblica® Open Tagalog Contemporary Bible™ (Ang Salita ng Diyos) © Biblica, Inc. Licensed CC BY-SA 4.0. “Biblica” is a trademark registered in the United States Patent and Trademark Office by Biblica, Inc.