27Mabuti para sa isang tao na kahit bata pa ay matuto nang makipamatok at sumunod.
28Kapag tinuturuan tayo ng Panginoon, tumahimik tayo at pag-isipan itong mabuti.
29Magpakumbaba tayo sa harap ng Panginoon at huwag mawalan ng pag-asa.
30Kapag sinampal ka sa isang pisngi, ibigay mo pa ang kabila. At tanggapin mo rin ang pangungutya ng iyong mga kaaway.
31Dahil hindi tayo itatakwil ng Panginoon magpakailanman.