52Hinahabol ako ng aking mga kaaway na parang isang ibon, kahit na wala naman akong nagawang kasalanan sa kanila.
53Sinubukan nila akong patayin sa pamamagitan ng pambabato at paghulog sa balon.
54Halos malunod na ako at ang akala koʼy mamamatay na ako.
55Doon sa ilalim ng balon, tumawag ako sa inyo Panginoon.
56Pinakinggan nʼyo ang pagmamakaawa ko at paghingi ng tulong.